Palaisipan sa mga netizen kung nagkaayos na raw ba o sibil lang sa isa't isa sina "Eat Bulaga" hosts Maine Mendoza at Miles Ocampo.
Sa July 4 episode kasi ng EB, binati nina Jose Manalo at Wally Bayola si Maine na nagdiwang ng 10th anniversary niya sa longest-running noontime show.
Nang mga sandaling iyon ay kasama nina Jose at Wally sa Barangay Pasong Putik sa Novaliches, Quezon City si Miles para sa kanilang sugod-bahay segment.
Binati ni Miles si Maine sa anniversary ni Maine na inacknowledge naman ng huli.
Kinawayan pa ni Miles si Maine at tinawag na "Ate."
Matatandaang kamakailan lamang ay umugong ang tsikang kesyo may "rift" sa pagitan ng dalawang hosts, lalo na raw nang mapansin ng mga netizen na tila hindi na raw naka-follow si Maine sa Instagram account ni Miles.
KAIUGNAY NA BALITA: Maine isang dekada na sa Eat Bulaga, iniisyung may 'hidwaan' kay Miles
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ng dalawa tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.