May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Nasa exploring stage pa lang:’ Enrique Gil, Julia Barretto naispatang magkasama

‘Nasa exploring stage pa lang:’ Enrique Gil, Julia Barretto naispatang magkasama
Photo Courtesy: Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Usap-usapan ang mga larawan nina Kapamilya artists Enrique Gil at Julia Barretto na magkasama.

Kaya sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Linggo, Hulyo 6, inusisa ni showbiz insider Ogie Diaz ang talent manager ni Enrique na si Ranvel Rufino.

“Naka-text natin ng slight itong manager ni Enrique Gil na si Ranvel Rufino. At according to Ranvel, nasa exploring stage lang daw ‘yong movie na gagawin ni Enrique at ni Julia,” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya, “So, abangan natin kung ito ay matutuloy. O kung matutuloy man, anong klaseng pelikula or anong genre? ‘Yan ang ating aabangan.”

Matatandaang minsan nang nagkasama sina Enrique at Julia noong 2014 sa isang fantasy based drama na pinamagatang “Mirabella.”

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'