Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III na hindi lang daw sa Taal Lake itinapon ang bangkay ng mga nawawalang sabungero.
KAUGNAY NA BALITA: Bangkay ng mga nawawalang sabungero, itinali sa sandbag para lumubog sa Taal Lake
Sa kaniyang press briefing nitong Lunes, Hulyo 7, 2025, iginiit ni Torre na hindi lang daw limitado sa lawa ng Taal ang impormasyong hawak nila tungkol sa mga pinagtapunan ng bangkay ng mga nawawalang sabungero at iba pang drug lords.
Dagdag pa niya, "Hindi lang sa lake ang disposal, may ibang areas pa 'yan [at] ine-examine na namin, hindi lang naman pine-preempt."
Kaugnay naman ng kanilang pakikipagtulungan sa nakaambang retrieval operations sa mga bangkay ng biktima, isinaad ni Torre na nakahanda ring makipatulungan ang kanilang ahensya.
"Well you know andiyan na lahat ng challenges eh, hindi naman ibig sabihin na challenging hindi na natin gagawin, we'll try we'll [know] how far we can go sa ating efforts, 'pag hindi kaya aminin natin, we'll find another way."
Muli ring inulit ni Torre ang kumpirmasyong nasa restricted custody na ang mga pulis na sinasabing sangkot sa pagdukot at pagpatay sa mga mga biniktimang nawawalang sabungero.
"We have placed several personnel under restrictive custody pending the investigation on the missing sabungeros. We have partnered with NAPOLCOM (National Police Commission) for the in-depth investigation of this case to ensure transparency and impartiality," saad ni Torre.
Saad pa niya, may posibilidad daw na hindi lang 15 pulis ang maaaring kasangkot pa sa naturang krimen.
KAUGNAY NA BALITA: 15 pulis na sangkot umano sa missing sabungero, ‘under restricted duty’ na!
"Baka akalain n'yo '15 lang, baka mas marami pa. We'll leave no stones unturned. Hindi tayo tumitigil sa 15," anang PNP chief.
KAUGNAY NA BALITA:Torre sa mga pulis na umano'y sangkot sa isyu ng missing sabungeros: 'Everyone is protected!