May 18, 2026

Home SHOWBIZ

Lolit, pangarap na talagang sumakabilang-buhay sey ni Ogie

Lolit, pangarap na talagang sumakabilang-buhay sey ni Ogie
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB), Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Tila ang kamatayan ay regalo ng langit para sa showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis.

Sumakabilang-buhay si Lolit noong Hulyo 4 sa edad na 78.

MAKI-BALITA: Lolit Solis, pumanaw na

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Linggo, Hulyo 6, sinabi ni Ogie na matagal na umanong pinapangarap ni Lolit na umalis sa mundong ibabaw.

“Ito na nga ‘yong pinapangarap ni Ate Lolit. Siya ay naiinip na. As in gusto na niyang umalis sa mundong ito. Gusto na niyang mawala dahil nga feeling niya sobra siyang nagmemelankolya,” saad ni Ogie.

Tsika at Intriga

Survivor na! Kaye Abad nanggulat, ibinahagi ang breast cancer journey niya

Dagdag pa niya, “Dahil nga ‘yong kaniyang mga kaibigan ay nagsipagpanaw na parang feeling niya siya na lang ‘yong natitira.”

Kaya naman tuwing nakakausap ni Ogie noon ang yumaong showbiz columnist at talent manager, sinasabi umano ni Lolit kung gaano siya nahihirapan.

“So everytime makakausap ko si Ate Lolit, sinasabi niya sa akin ‘Ang sakit-sakit na, ‘nak. ‘Di na kaya ng katawan ko. Pagod na ako,’” ani Ogie.

Matatandaang sumailalim si Lolit sa dialysis tatlong beses kada linggo bago siya tuluyang namaalam sa mundong ibabaw.