Dead on arrival sa ospital ang 38 taong gulang na lalaki matapos siyang saksain ng stepfather niya sa Maramag, Bukidnon.
Ayon sa ulat ng Brigada News PH nitong Lunes, Hulyo 7, 2025, nag-ugat ang pananaksakak ng 57-anyos na suspek matapos umano siyang maingayan sa biktima.
Lumalabas sa imbestigasyon na nanalo ang biktima sa online sugal kaya’t naghihiyaw daw ito sa kanilang bahay dahil sa saya. Hindi umano nagustuhan ng suspek ang ingay ng biktima na nauwi raw sa komprontahan.
Doon na raw bumunot ng kutsilyo ang suspek at saka inundayan ang biktima na nagtamo ng saksak sa kaniyang dibdib.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kaukulang reklamo.