July 19, 2026

Home BALITA

Lalaki, patay matapos makaladkad ng tren sa PNR

Lalaki, patay matapos makaladkad ng tren sa PNR
Photo courtesy: Contributed photo

Patay ang isang lalaki matapos siyang makaladkad ng dumaraang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Libmanan, Camarines Sur.

Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente noong Linggo, Hulyo 6, 2025, kung saan sinasabi ng ilang saksi na bigla na lamang daw tumawid ang biktima sa papalapit na tren dahilan upang siya ay masapul nito. 

Tinatayang umabot pa raw ng limang metro ang layo ang layo sa pagkakakaladkad sa biktima, bago tuluyang huminto ang tren.

Dead on the spot ang biktima na hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan.

Samantala, patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa train operator na sangkot sa naturang aksidente.

Politics

Giit ni SP Gatchalian: 'Sineseryoso ko ang trabaho!'