Sugatan ang isang 51 taong gulang na lalaki matapos siyang barilin ng lalaking kainuman sa Barangay Catmon, Mabalbon City.
Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente noong Linggo ng gabi, Hulyo 6, 2025 kung saan nagkayayan daw mag-inuman ang suspek at biktima sa loob ng isang bahay.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, tuluyang nagkainitan ang dalawa matapos umano silang magkapikunan. Doon na raw bumunot ng baril ang suspek at saka binaril ang biktima. Nagtamo ng tama ng bala sa kanang paa ang biktima na agad namang naisugod sa ospital.
Samantala, mabilis namang nasakote ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong attempted homicide at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act o Republic Act No. 10591, matapos mapag-alamang matagal na raw paso ang lisensya ng baril ng suspek.
Hiling naman ng asawa ng biktima na tuluyan daw mabulok sa kulungan ang suspek.