May 16, 2026

Home BALITA National

Biliran, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Biliran, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
(Phivolcs)

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Biliran nitong Lunes ng hapon, Hulyo 7, ayon sa Philippine Institute of of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa impormasyon ng Phivolcs, nangyari ang lindol sa Kawayan, Biliran bandang 4:48 p.m., na may lalim ng 10 kilometro. 

Naramdaman ang Intensity III sa Culaba at Kawayan, Biliran. Intensity I naman sa Bogo, Cebu at Carigara, Leyte. 

Samantala, wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang lindol. 

National

OSAA, mariing pinabulaanan mga balitang walang CCTV sa Senado!