Naantig ang puso ni Kapamilya host Bianca Gonzalez sa post ng isang netizen patungkol sa role niya sa Pinoy Big Brother.
Mababasa sa post ang pasasalamat ng netizen kay Bianca para sa lagi nitong pagprotekta sa housemates kahit minsan ay nadadamay sa fan wars.
"Kung may 'kuya' sila sa loob, ikaw naman ang nagsisilbing 'ate' nila rito sa labas. I am your fan, Ms. Bianca," dugtong pa ng netizen.
Sey tuloy ni Bianca, “This message means SO MUCH to me ever since I was tasked to take the lead for this show, I knew in my heart that my role was to be the Ate not just to the housemates but also to my fellow hosts. And knowing you see that makes my heart feel so full ”
Matatandaang minsan nang sinita ng Kapamilya host ang ibang fans na pinagbabantaan at minumura ang ilang Pinoy Big Brother housemates na hindi nila gusto.
Aniya, “[T]otoong tao yung pinag-uusapan ninyo, may totoong pamilya't mahal sa buhay na nakakabasa ng pino-post ninyo.”
MAKI-BALITA: Bianca, sinita mga nagbabanta at nagmumura sa housemates: ‘Mga totoong tao 'yon!’