May 22, 2026

Home FEATURES Human-Interest

‘Barbie’ buntis; dalawa dumale, kaya ‘di alam kung sino daddy ni baby!

‘Barbie’ buntis; dalawa dumale, kaya ‘di alam kung sino daddy ni baby!
Photo courtesy: Freepik

Nakakaloka ang problema ng isang babaeng nagngangalang "Barbie" mula sa Pasay City, na naging usap-usapan ng mga netizen.

Ang problema niya, pinahanapan ng solusyon sa mga netizen ng FM radio station na 91.5 Win Radio Manila.

Mababasa sa post, "Tawagin niyo na lang po akong Barbie 27 years old at may kinakasama po akong mas matanda sa akin ng 20 years. Damang-dama ko ang pagmamahal at pag-aalaga sa akin ng sugar daddy ko. Kaya umabot din kami ng 3 years. Kaya lang mare, naging marupok ako. Sa sobra kasing kabaitan ni sugar daddy, na-bored ako sa kanya, kaya naghanap ako ng thrill at excitement sa piling ng iba."

Sa pagpapatuloy, "Noong nilandi ako ng ka-trabaho kong si rj na halos kasing-edad ko rin.. Nakipag-chorva agad ako sa kanya! At hindi lang ‘yun.. Nangyari pa ‘yun nang paulet-ulet. Sobrang nag-eenjoy ako sa ginagawa ko that time, pero na-giguilty rin ako kaya kapag kasama ko si sugar daddy, bumabawi din naman talaga ako sa kanya ng chorva."

Kaya problema ni Barbie, "Hanggang sa dumating sa puntong nabuntis na po ako, mareng maki. At ngayon, nalilito ako dahil halos sabay lang si sugar daddy at RJ sa pag-chorva sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Dalawa silang dumadali kaya hindi ko na alam ngayon kung sino ang daddy ng aking baby."

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

"Mare, ano po bang dapat kong gawin? Payuhan at maki-alam ka naman sa pinagdadaanan kong ito. Maraming salamat po," aniya.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Ipatawag mo yon dalawa at mag usap kayong tatlo para bang PTA meeting Ang nangyari...pag usapan ninyo kung pede kapang lumandi uli!"

"Nung nagpakasasa ka, sinolo mo ang sarap. Tas ngayung may problema ka, idadamay mo kami..Wag ganun."

"Bembang lang ng bembang, tsaka mo na problemahin yan.. Di naman yan sila mag away kung sino ama sa kanila, paliwanag mo na lang sa kanila kung ang maging ama e yung bata sabihin mo kay sugar daddy na next time ikaw naman.. Basta tuloy lang bembangan.."

"Ganito yan sender,,, kapag manganganak kana,, dapat andun Yung dalwa,, kapag lumabas Yung Bata, at kung kanino tumingin, sabay sabing papa,, Siya Ang ama,, haha joke."

"Uyyy, di ka ba natutuwa? 2 ang daddy ng baby mo.. ingat ka lang ateng kapag nalaman yan ni asukarera de papa, baka iwan ka.. yung isa naman baka enjoy enjoy lang din ang hanap..pupulutin ka sa kangkungan bagay gay an.."

"Kung kanino ka nasarapan yon yong ama ng baby mo."

Ikaw Ka-Balita, anong maipapayo mo sa atake ni Barbie?

--- 

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.