Tila dumating na ang araw na sinasabi ni social media personality Mika Salamanca na matutuklasan ng umano ng publiko kung magiging sino siya pagdating ng takdang panahon.
Matapos kasi niyang tanghalin bilang isa sa Big Winner ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, kinalkal ng ilang netizens ang yearbook ni Mika.
MAKI-BALITA: BreKa, itinanghal na ‘Big Winner!’
Sa naturang yearbook, nakalagay ang mga katagang “You will know who I am, soon.”
Matatandaang nang bumisita si Unkabogable Star Vice Ganda sa Bahay ni Kuya, ibinahagi ni Mika ang dahilan kung bakit niya sinubukang sumali sa edisyong ito ng PBB.
“[K]ailangang-kailangan ko pong ipakilala ulit sa mga tao kung sino po ako. Kasi nag-start po ako sa industry, sa social media po, no’ng bata pa po ako,” lahad ni Mika.
Dagdag pa niya, “Marami po akong nagawa na hindi ko po masyadong napag-isipan no'ng time na 'yon. Gusto ko pong i-redeem 'yong sarili ko para rin po sa sarili ko at pamilya ko."
Bago kasi siya sumali sa PBB, kontrobersiyal si Mika dahil sa isyung kinasangkutan niya noon sa ibang bansa, at naging tila "negatibo" ang kaniyang imahe dahil sa ilang kontrobersiyang nadikit sa kaniya sa social media.
KAUGNAY NA BALITA: Mika Salamanca, naiyak nang ma-red flag ng kapwa PBB housemates
At sinong mag-aakala na ang tinagurian noong “Controversial Ca-Babe-Len ng Pampanga” ay lilikha ng kasaysayan bilang kauna-unahang Big Winner sa PBB: Celebrity Collab Edition?
MAKI-BALITA: Mika Salamanca, hindi controversial girl: 'She is just misunderstood!'