December 14, 2025

Home BALITA

Sigaw ni Fyang Smith: ‘Walang makakatalo sa batch namin!’

Sigaw ni Fyang Smith: ‘Walang makakatalo sa batch namin!’
Photo Courtesy: Fyang Smith (IG), PBB ABS-CBN (FB)

Loud and proud na ipinangalandakan ni Kapamilya artist Fyang Smith ang mga ka-batch niya sa Pinoy Big Brother Gen 11.

Sa isang video clip na kumalat noong Sabado, Hulyo 5, pabirong sinabi ni Fyang na wala umanong makakatalo sa batch nila dahil sa kanilang pagiging “very genuine” at “very authentic.”

“Alam mo, kahit ilang batch pa 'yan, walang makakatalo sa batch namin. Hello, Gen 11. [...] De, joke lang,” saad ni Fyang.

Dagdag pa niya, “Kaya walang makakatalo sa batch namin kasi lahat kami very genuine, very authentic. Akala nga namin walang nanonood kaya gano'n ang mga ugali namin. Pagpasensyahan n'yo na.”

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon ang nasabing video mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sa inyong batch lang ako wLng gana manuod!!"

"True wlang tatalo s batch ng Gen 11 lalo n ang legendary big winner the one and only Sofia smith as fyang.. "

"Sos TOTOO NAMAN,bat kayo Galit,,nood nalang kayo mamaya sa big night para Naman malampasan niyo yong pbb gen 11 Big Night"

"True naman talaga 2MILLION ang nanood online that time"

"Kakasikat mo lang girl. Wag masyado . Alagaan mo kung aning meron ka . . . Di matin alam ang oras"

"Walang tapon ang Pbb gen11 aminin nyo"

"Malamang batch nila yan ..bat daming galit haha! Pra sa knya yun hello"

Matatandaang si Fyang ang itinanghal na Big Winner sa latest season ng PBB noong Oktubre 2024.

MAKI-BALITA: Afam na erpat ni Fyang, pinantasya: 'Sa'yo na ₱1M mo, akin na papa mo!'