December 13, 2025

Home BALITA

Sen. Padilla, gustong maawat kabataang babad sa x-rated contents: 'Morality pare!'

Sen. Padilla, gustong maawat kabataang babad sa  x-rated contents: 'Morality pare!'
Photo courtesy: screengrab Robin Padilla/FB, Freepik

Kumbinsido si Sen. Robin Padilla na masolusyunan ang mga kabataang patuloy na nahihimok umanong manood ng mga x-rated contents sa internet.

Sa isang video na ibinahagi niya sa kaniyang Facebook page noong Sabado, Hulyo 5, 2025, iginiit ng senador na usapang moralidad na raw ang nakataya sa pag-iimplementa ng batas na tutuldok sa porgnographic addiction ng kabataan.

“Mayroon tayong rules pare, at ang rules na 'yon number 1, ang nasa taas dapat non morality pare. Hindi naman religious morality. Morality in general,” anang senador.

Dagdag pa niya, “Dapat makapag-isip man lang tayo ng paraan, makontra itong tinatawag pare ko na multibillion na sindikato ng pornography, ng child prostitution.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Bagama’t walang direktang binabanggit, tila  may pasaring din ang senador hinggil sa pagsusulong ng isang panukala upang tuluyang gumalaw umano sa Senado.

"’Pag gumawa ka sana ng paraan o tinira mo yung isang panukala, 'wag mong barahin yung panukala. Mag-isip ka ng pwedeng amyenda nung panukala. Ano ba yung pwedeng gawin natin para mag-move 'yang panukala na 'yan. Kasi hindi naman tayo nandito para magtagisan ng talino pare eh,” ani Padilla.

Paglilinaw pa niya, hindi raw siya pabor sa anumang uri ng pagpapalabas ng pornographic material kahit na siya ay isang aktor.

"Tandaan mo morality 'to pare. 'wag naman tayong maging bias, na 'di porket taga-pelikula ako, eh oaky sa akin yung bold, okay sa akin yung semi-porno. 'Wag tayong ganun 'di ba?" saad ng senador.