Naghayag ng buong suporta si House Speaker Martin Romualdez sa inisyatibo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa kabuhayan ng mga mangingisda sa Pilipinas.
Sa pahayag na inilabas ni Romualdez nitong Linggo, Hulyo 6, sinabi niyang malaki umano ang maitutulong ng mga fish ports at cold storage facilities.
“Malaki ang maitutulong ng pagdami ng mga fish ports at cold storage facilities para maibaba ang transportation at production costs ng ating mga mangingisda. Makakaasa sila sa suporta ng Kongreso para magtayo ng mas makabago at modernong mga pasilidad,” saad ni Romualdez.
Umaasa umano siyang makikilahok ang mga kasaahan niya sa pagsisiyasat sa National Expenditure Program (NEP) para sa 2026.
Dagdag pa ni Romualdez, “Bibigyang prayoridad ng mga mambabatas ang programang ito ni Pangulong Marcos. Isa ito sa mga kailangan ng pamahalaan para maabot ng Pilipinas ang food security para sa bawat Pilipino.”
Matatandaang sa pagbisita ng pangulo sa General Santos City noong Hulyo 4 ay tiniyak niya ang mas maraming pagtatayo ng mga fish port at cold storage facility.