Nabulabog hindi lamang sa mga bigating artist na guest performers sa naganap na Puregold OPM Con 2025 sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan ang mga manonood kundi nang masilayan din nila ang rumored couple na sina Kapuso star Bea Alonzo at si Vincent Co, presidente ng Puregold Price Club Inc., na agad nagpukaw ng diskusyon at kilig sa publiko.
Matatandaang usap-usapan ang namumuong relasyon daw sa dalawa matapos silang mamataan nang ilang beses na magkasama, hindi lang sa events sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa.
KAUGNAY NA BALITA: Bea Alonzo, businessman na si Vincent Co, nagde-date?
KAUGNAY NA BALITA: Bea Alonzo, rumored jowang si Vincent Co naispatang magkasama sa airport
Kamakailan ay namataan si Bea kasama si Vincent at ilang mga kaanak niya, sa isang event para sa mga businessman.
KAUGNAY NA BALITA: Bea Alonzo, naispatang kasama na ang madir, sis ni Vincent Co
Panganay na anak si Vincent ng mag-asawang sina Lucio at Susan Co na parehong pasok sa mga pinakamayayamang tao sa Pilipinas ayon sa listahan ng Forbes, at may-ari ng Puregold na isa sa mga sikat na supermarket sa bansa.
Pinagkaguluhan daw ng mga tao ang rumored couple kaya lumipat daw sila ng puwesto at nagtungo sa arena suite.
Naispatan naman ng ilang mga netizen ang pagkakahawak nila ng kamay, na puwedeng indikasyon ng romantikong relasyon nilang dalawa, bagama't wala pang kumpirmasyon o pahayag ang dalawa tungkol dito.