Tila naantig ang ilang netizens sa mga larawang ibinahagi ng Animal Kingdom Foundation (AKF) tungkol sa mga bumberong hindi kinalimutang sagipin ang mga asong naipit sa gitna ng mga nasunog na bahay sa iba’t ibang lugar.
Sa social media post ng AKF nitong Linggo, Hulyo 6, 2025, nagpaabot ng pasasalamat sa mga bumberong hindi raw hinayaan ang mga aso na maiwanan na lang sa kasagsagan ng sunog na kinaantigan naman ng netizens.
Makikita sa mga larawang ibinahagi ng AKF ang isang bumberong nagbigay ng mouth-to-mouth resuscitation sa isang aso habang nakaabang ang oxygen tank. Mapapansin din ang isang asong bitbit ng bumbero habang lumilikas sa bubong.
“In the midst of smoke and chaos, when every second counts, you go beyond the call of duty — not just saving people, but reaching out to rescue the ones who cannot cry for help,” anang AKF.
Dagdag pa nila, “Thank you for not leaving the animals behind.”
Binaha naman ng pasasalamat ang comment section ng nasabing post at tila sinaladuhan ang mga bonberong nasa larawan.
“Firefighters are often volunteers and significantly underpaid.”
“Big salute to all firefighters.”
“Thank you so much to our firefighters for saving the furbabies.”
“Salute to all the brave fire fighters and volunteers!”
“Big salute and thank you firefighters, mabuhay po kayo!”
“Every life matters.”