December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Narcissistic ex' ni Carla Abellana, hinuhulaan kung sino

'Narcissistic ex' ni Carla Abellana, hinuhulaan kung sino
Photo courtesy: rufflife.to.goodlife via Carla Abellana (IG)

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa mga netizen kung sino ang tinutukoy na "narcissistic ex" o dating karelasyon ni Kapuso star Carla Abellana, matapos niyang magkomento sa isang Instagram post, noong Mayo 2025.

Umantig sa damdamin ni Carla ang emosyonal na Instagram post tungkol sa epekto ng abusive relationship hindi lamang sa tao kundi pati na rin sa mga alagang hayop.

Kilala si Carla bilang isang furparent at iniisip ang kapakanan ng mga hayop, partikular ang mga aso.

Sa nasabing post, ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang karanasan habang nasa loob ng mapanakit na relasyon. Ayon sa kaniya, hindi lamang siya ang nakaranas ng matinding stress at kalungkutan—damang-dama rin umano ito ng kaniyang alagang aso. Kalakip ng kuwento ang isang video na nagpapakita ng unti-unting pagbabago sa kilos ng aso, na aniya’y dapat na magsilbing babala sa mga taong nakakaramdam ng emosyonal o pisikal na abuso sa kanilang relasyon.

Tsika at Intriga

Bianca dadalhin sa langit si Will, si Dustin naman sa impiyerno

"The truth behind the relationship that you’re afraid to leave behind: your dog can feel every bit of tension that you can. I still get mad at myself some days for not seeing the change in her behavior during this chapter of life, but I know it’s something I’ll never put her through again. Leave because they deserve it too," mababasa sa caption ng post.

Mabilis na kumalat ang post sa social media at umani ng suporta mula sa pet lovers, kabilang na si Carla. Sa komento na iniwan ng aktres noong Mayo 31, ibinahagi niyang naka-relate siya sa kuwento ng netizen. Inilahad niyang ang kaniyang dating karelasyon—na inilarawan niyang isang “narcissistic ex” na nakasama niya ng pitong taon—ay gumawa rin ng masama sa kaniyang alagang aso.

"I had 3 dogs back then (now i have 6), 1 of which was the most abused by my Narcissistic ex. It took 7 and a half years for me to wake up and i still regret not getting out earlier," mababasa sa komento ni Carla.

"I was blind for that long. Now, my dogs no longer shake out of terror, hide behind me or underneath the bed, cling to me whenever they’re afraid, no more tails tucked underneath their bodies, and no more ears pushed back. God is good. He made a way to get us all out and we’ve all been happier ever since."

Photo courtesy: rufflife.to.goodlife via Carla Abellana (IG)

Bagama’t hindi pinangalanan ni Carla kung sino ang tinutukoy na dating karelasyon naging usap-usapan ito online. Hanggang ngayon, aktibo pa rin ang mga netizen sa paghula kung sino ang tinutukoy ng aktres.

Ang huling masasabing nakarelasyon ni Carla ay ang dating mister na si Tom Rodriguez.