December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

Mika Salamanca sa PBB journey: 'May dalang konting damit at pangarap lang'

Mika Salamanca sa PBB journey: 'May dalang konting damit at pangarap lang'
Photo courtesy: Mika Salamanca, Gerlyn Mae Mariano via GMA Network (FB)

Matapos ang pagkapanalo nila ng ka-duo na si Brent Manalo bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, nakapag-post na sa kaniyang Facebook account ang Kapuso artist at social media personality na si Mika Salamanca.

Naganap ang Big Night sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City, Sabado, Hulyo 5.

Linggo ng gabi, Hulyo 6, nag-post si Mika ng kaniyang saloobin at mensahe patungkol sa kaniyang pagkapanalo.

Muli niyang binanggit sa post na kaunti lang ang dinala niyang damit sa loob, gaya ng nasabi na niya sa kapwa housemates habang nasa loob ng Bahay ni Kuya.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Naisip niya kasi na baka hindi naman siya magtatagal at baka ma-evict siya agad.

Bukod dito, "kontrobersiyal" din si Mika bilang social media personality bago niya pasukin ang pag-aartista at maging housemate ng PBB.

KAUGNAY NA BALITA: BreKa, itinanghal na ‘Big Winner!’

KAUGNAY NA BALITA: Mika Salamanca, hindi controversial girl: 'She is just misunderstood!'

Doon siya nagkakamali dahil sila pala ni Brent ang maiiwan sa Bahay ni Kuya hanggang dulo at tatanghaling kauna-unahang Big Winner celebrity duo, ng makasaysayang pagsasabin-puwersa ng dating mahigpit na magkaribal: ABS-CBN at GMA Network.

Bahagi ng post ni Mika, "Pumasok ako ng PBB na may dalang konting damit at pangarap lang, kaya hindi ko inexpect na aabot ako sa dulo, ‘cause wdym umabot talaga TAYO sa dulo?! NO WAYYYYY, legit?"

Isinalaysay rin ni Mika na matagal na pala siyang nag-audition sa PBB 10 taon na ang nakalilipas subalit hindi siya natanggap.

Sino nga naman ang mag-aakalang makalipas ang ilang taon, makakapasok na siya at magiging Big Winner pa.

Congratulations, Mika!