December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

Mika Salamanca, nag-audition sa PBB noon pero naligwak

Mika Salamanca, nag-audition sa PBB noon pero naligwak
Photo courtesy: Mika Salamanca (FB)

Hindi inakala ni Mika Salamanca, ang tinaguriang “Controversial Ca-babe-len ng Pampanga,” na ang simpleng pangarap at ilang pirasong damit ang magiging susi upang makamit ang isa sa pinakamalalaking tagumpay sa kaniyang buhay—ang pagiging Big Winner ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.

Sa isang emosyonal na post matapos ang kaniyang pagkapanalo, ibinahagi ni Mika ang kaniyang hindi makapaniwalang damdamin sa pag-abot sa dulo ng kompetisyon.

“Pumasok ako ng PBB na may dalang konting damit at pangarap lang, kaya hindi ko inexpect na aabot ako sa dulo,” ani Mika.

“'Cause wdym umabot talaga TAYO sa dulo?! NO WAYYYYY, legit?”

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Matapos mabigo sa unang pagsubok na makapasok sa Bahay ni Kuya sampung taon na ang nakalilipas, naniwala si Mika na may mas malaking plano ang Diyos para sa kanya. At ngayon, sa tamang panahon at pagkakataon, natupad ang matagal niyang pinangarap.

"10 years ago di ako pinalad na makapasok sa PBB, siguro dahil hindi pa ko ready. I’m a firm believer that when plans don’t go your way, it’s because God has a bigger one, at ito yun!" aniya pa.

Dagdag pa ni Mika, hindi raw siya makapaniwala at hindi pa rin maintindihan kung anong ginawa niyang tama sa Bahay ni Kuya para hirangin siyang Big Winner.

Nagpasalamat siya sa ABS-CBN, sa GMA Network, at sa lahat ng mga bumubuo ng PBB dahil sa kakaiba at hindi malilimutang karanasan sa buhay at career niya.

KAUGNAY NA BALITA: Mika Salamanca sa PBB journey: 'May dalang konting damit at pangarap lang'