December 15, 2025

Home SHOWBIZ

‘Lamug!’ Fyang Smith, inatake ng batikos matapos pahiran ng laway si Dingdong Bahan

‘Lamug!’ Fyang Smith, inatake ng batikos matapos pahiran ng laway si Dingdong Bahan
Photo Courtesy: Screenshots from Circle of Stars (FB)

Naasiwa ang maraming netizens sa hindi kaaya-ayang ikinilos ni Fyang Smith habang nagsasalita ang kapuwa niya Pinoy Big Brother Gen 11 housemate na si Dingdong Bahan.

Sa kumakalat kasing video clip nitong Linggo, Hulyo 6, mapapanood na habang nagsasalita si Dingdong sa isang event ay ginugulo siya ni Fyang at pinahiran pa ng laway sa mukha.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Lamug"

Joross, naniniwalang malapit nang magunaw ang mundo

"Very unprofessional lahat ng jokes ilagay sa tamang lugar."

"Ayoko na dn jan hahaha for kai na talaga ako"

"Ilagay sa tamang lugar ang kakulitan para di magmukhang tanga"

"Omg fyang wag ka ganyan nakaka walng respeto"

"kung ano ang idol ganun din ang fans"

"dati sikat sa pagiging totoo at kagandahan. bakit parang puro funny mems na nakikita ko ngayon hahaha nababash na sya sa mga ginagawa nya"

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina Dingdong at Fyang kaugnay sa nangyari.