January 25, 2026

Home BALITA Metro

Lalaking nag-ala ‘Spiderman,’ sa poste ng kuryente, muntik masunog nang buhay

Lalaking nag-ala ‘Spiderman,’ sa poste ng kuryente, muntik masunog nang buhay
Photo courtesy: Contributed photo

Isang 47 taong gulang na lalaking may problema sa pag-iisip ang sugatan matapos siyang manulay at umakyat sa mga kable at poste ng kuryente sa  Brgy. Putatan, Muntinlupa City noong Sabado ng gabi, Hulyo 5, 2025.

Ayon sa mga ulat, namataan na lamang ng ilang mga residente ang lalaki na nasa taas na ng mga kable. Agad namang dumating ang ilang bumbero sa lugar upang masagip ang biktima ngunit mabilis itong nagpalipat-lipat ng puwesto.

Tumagal ng dalawang oras ang pagsagip sa biktima matapos pa siyang umabot sa isang high voltage wire kung saan nagkaroon ng maliit na pagsabog.

Nagtamo ng 30 burn ang biktima sa kanang bahagi ng kaniyang mukha, balikat at kamay.

Metro

Buntis, nanganak sa tabi ng kalye!

Ayon sa pahayag ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, Medical Center Muntinlupa (MCM) na kinailangang ilipat sa Philippine General Hospital (PGH).

“Nagtamo ang lalaki ng 30% na sunog sa katawan dahil nadikit siya sa high tension wire. Dinala muna siya sa MCM para pangunang lunas pero rekomendasyon ng doktor na ilipat siya sa PGH burn unit sa lalong madaling panahon,” anang alkalde sa kaniyang opisyal na Facebook page.

Saad ni ni Biazon, kasama na raw ng biktima ang ilan niyang kaanak na mag-aasikaso sa kaniya.