December 12, 2025

Home SHOWBIZ

Klarisse De Guzman, inasahang sasalubungin ng bashers paglabas sa Bahay ni Kuya

Klarisse De Guzman, inasahang sasalubungin ng bashers paglabas sa Bahay ni Kuya
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN Entertainment (YT)

Tila taliwas sa inaasahan ni Kapamilya singer Klarisse De Guzman ang naging pagtanggap ng taumbayan sa kaniya paglabas niya sa Bahay ni Kuya.

Sa latest episode ng “On Cue” kamakailan, sinabi ni Klarisse na akala raw niya ay puputaktihin siya ng batikos matapos niyang ma-evict sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”

“‘Pag lumalabas, ayun, napi-feel mo ‘yong pagmamahal nila. [...] Akala ko kasi paglabas ko ng PBB puro bashers,” saad ni Klarisse. 

Dagdag pa niya, “Talagang iniisip ko baka paglabas diretso na ako mag-book ng habal baka batuhin ako ng kamatis. Magbo-book ako bago lumabas. “

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Ayon sa Kapamilya singer at ex-PBB housemate, hanggang ngayon parang nananaginip pa rin daw siya. Hindi pa rin niya inaasahan ang suporta at pagmamahal na ibinibigay sa kaniya ng mga tao. 

Matatandaang si Klarisse ang isa sa mga nilo-look forward na maitanghal bilang Grand Winner sa edisyong ito ng PBB kasama ang ka-duo niyang si Kapuso Sparkle artist Shuvee Etrata.

MAKI-BALITA: ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!