December 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

KILALANIN: Ang Big Winner na si Brent Manalo sa PBB: Celebrity Collab Edition

KILALANIN: Ang Big Winner na si Brent Manalo sa PBB: Celebrity Collab Edition
Photo Courtesy: Brent Manalo (IG), Pinoy Big Brother ABS-CBN via MB

Itinanghal na “Big Winner” ang duo nina Brent Manalo at Mika Salamanca o BreKa sa huling yugto ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition noong Sabado ng gabi, Hulyo 5.

BreKa ang nakakuha ng pinakamataas na total combined votes na 33.03%, dahilan para maiuwi nila ng tumataginting na ₱1 milyon. Sila ang kauna-unahang nanalong duo para sa edisyong ito ng PBB. 

Ngunit gaya ng anomang tagumpay at pagkawagi, hindi ito magiging kompleto kung wala ang kuwento ng pagpupunyagi ng mga taong nasa likod nito. Tulad ni Brent. 

Bago nakapasok sa Bahay ni Kuya, nakilala na si Brent sa pagmomodelo. Nagtapos siya ng cum laude sa sa De La Salle University sa ilalim ng programang Bachelor of Science in Advertising Management.

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

Hindi naman ito nakapagtataka kung tutuusin. Dahil kung babalikan ang kumalat na highschool yearbook niya noong 2020, makikita ang mahabang listahan ng kaniyang achhivements kabilang na ang pagiging valedectorian sa klase.

Hanggang sa sinubukan na rin niya ang sining ng pag-arte. Una siyang nasilayan sa 2020 iWant series na “The Ampalaya Chronicles,” isang coming-of-age anthology na batay sa “Ampalaya Monologue” ng spoken word artist na si Mark Gohsn.

Nasundan pa ito ng dalawang proyekto nang gumanap siyang “Jason” sa “Beach Bros” at “Migs” sa “The Broken Marriage Vow” noong 2022.

At ngayong isa na siya sa Big Winner ng edisyong ito ng PBB, tiyak na marami pang oportunidad na naghihimntay kay Brent sa labas ng Bahay ni Kuya, lalo na’t magbebente-otso pa lang siya sa Disyembre 6. 

Marami pa siyang maibibigay sa kaniyang mga tagasubaybay. Marami pang aabangan sa kaniya. Pero sa ngayon, ipagdiwang muna natin ang kaniyang tagumpay. 

Congrats, Brent!