January 05, 2026

Home BALITA Metro

Jessica Soho sa UP grads: 'Sana kayo na matagal nang hinihintay na pagbabago!'

Jessica Soho sa UP grads: 'Sana kayo na matagal nang hinihintay na pagbabago!'
Photo courtesy: Kapuso Mo Jessica Soho (FB)/via MB

Nag-iwan ng hamon si award-winning GMA Network news anchor Jessica Soho sa mga nagsipagtapos na mag-aaral ng University of the Philippines Diliman (UPD) sa Quezon City, Linggo, Hulyo 6, sa kanilang 114th General Commencement Exercises.

Si Soho ang kinuhang keynote speaker para sa mga Isko at iska ng Bayan. Nag-iwan ng hamon si Soho sa mga graduate na patunayan nilang deserve nilang matawag na graduate ng UP.

"Eh ano ngayon kung UP ka?"

"Kapag may nagsabi sa inyo nito, huwag ma-trigger, don't take it as an insult, but a gentle nudge, challenge or reminder na, 'Yes, UP tayo, what a blessing, but it is also a responsibility." aniya.

Metro

‘Traffic Advisory’ sa Translacion 2026, inilatag na para sa mga deboto at motorista

"With your voice, baka naman, meron nang pag-asa. Sana, kayo ang matagal nang hinihintay na pagbabago," bahagi pa ng kaniyang talumpati, patungkol sa pagmamalasakit sa kapwa at bansa. Hindi mo puwedeng sabihing maganda ang loob mo kung wala kang malasakit sa kapwa," dagdag pa.

Umabot sa 241 estudyante ang nagmartsa na may pagkilala bilang mga summa cum laude, habang pumalo naman ng 1,143 ang mga b magna cum laude at 985 iskolar naman ang cum laude.

Sa kabuuang bilang, nasa 5,000 iskolar ng bayan mula sa UPD ang nagsipagtapos.

KAUGNAY NA BALITA: Mahigit 1,000 graduates ng UP Diliman, sumungkit ng Latin honors!