December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

Big Winner! Charlie Fleming, natupad wish na ma-meet si Donny Pangilinan

Big Winner! Charlie Fleming, natupad wish na ma-meet si Donny Pangilinan
Photo courtesy: Charlie Fleming (TikTok)

Natupad ang pangarap ni Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer na ka-duo ni Esnyr na si Charlie Fleming na makadaupang-palad ang Kapamilya star na si Donny Pangilinan.

Naganap iyan sa Big Night ng PBB noong Sabado, Hulyo 5 sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City kung saan guest si Donny.

Makikita ito sa TikTok account ni Charlie.

Si Donny ay pumasok bilang celebrity house guest sa loob ng Bahay ni Kuya, noong unang ma-evict si Charlie.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Si Charlie, kasama si Ralph De Leon na 2nd Big Placer naman at ka-duo ni Will Ashley, ay nakabalik sa loob ng PBB House dahil sa "wild card."

Nag-viral ang TikTok video ni Charlie kung saan tila "naghihinakit" siya kay Kuya, na kung kailan wala na siya ay saka naman pinapasok si Donny sa BNK.

Pero noong Big Night ay napagbigyan na nga ni Donny si Charlie.

Isa pang housemate na may crush kay Donny ay si Kapuso housemate Shuvee Etrata na ka-duo naman ni Kapamilya housemate Klarisse De Guzman.