December 16, 2025

Home SHOWBIZ

Barbie Imperial, bumoses sa matandang pwersahang inaresto

Barbie Imperial, bumoses sa matandang pwersahang inaresto
Photo Courtesy: Barbie Imperial (FB), Screenshot from Gabby Chan. (FB)

Hindi napigilan ng aktres na si Barbie Imperial na magbigay ng reaksiyon sa video ng isang matandang sapilitang dinakip ng mga awtoridad.

Sa latest Facebook post ni Barbie nitong Linggo, Hulyo 6, ibinahagi niya ang video reels ng isang netizen na nagngangalang Gabby Chan.

Ayon kay Gabby, puwersahan umanong inaresto at kinaladkad ng mga ‘di pa nakikilalang guwardiya ang matandang babae sa Barangay Bibincahan sa Sorsogon City.

Sey tuloy ni Barbie, “Grabeng mga ugali.”

Angelica Panganiban nagsising ni-reject Four Sisters and a Wedding role: 'Di naging maganda ending namin ni Angel’

Humakot ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Kahit siguro may kasalanan si nanay sana di nila ginawa yun puro lalaki pa naman sila. Grabe na talaga. Ano na pilipinas!!!"

"Lord Ikaw na bahala Ani nila"

"Grabe naman ang ginawa sa matanda dapat kahit anong ginawa hindi dapat ginanyan ang matanda kawawa pulis pa naman kayo hindi niyo inaayos "

"Sna khit my kasalanan c nanay hindi n sinaktan matanda n un grabi nman po"

"Ginagawa lang siguro nila trabaho nila.. Pero wag nman ganyanin yung matanda parang wala silang mga magulang ah."

"Citizen arrest nakikita mo ba ung inaaresto mo parang nanay mo nah.. grabe ka mag trato Ng matanda palibhasa kalbo kah.. psalamat ka wla kasamang mga lalake Yan khit makulong pa alang alang sa nanay nila na nanakit sa magulang nila sigurado mapapalaban ka"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang detalye hinggil sa naging pag-aresto ng mga awtoridad sa matandang babae. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.