Matapos magpakitang-gilas sa loob ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, tila panibagong titulo ang inaasahang kakabit ng pangalan ni Klarisse De Guzman—ang “Next Comedy Concert Queen.”
Nakilala si Klarisse bilang isa sa mahuhusay na singers sa industriya ng OPM. Pero sa loob ng Bahay ni Kuya, isang bagong anyo ng kaniyang talento ang nasaksihan ng publiko—ang kaniyang comedic personality at natural na pagpapatawa na kinaaliwan ng mga manonood, bukod sa kaniyang pagluluto para sa kapwa housemates.
Kaya nga siya tinatawag ngayon na "Nation's Mowm" dahil bukod sa pagiging ate, siya raw kasi ang embodiment ng "mother figure" sa loob ng PBB House, kahit wala pa naman siyang sariling anak.
Mula sa banat lines hanggang sa mga nakakatuwang reaksyon at moments kasama ang ibang housemates, mabilis siyang minahal hindi lamang bilang mang-aawit, kundi bilang isang "komedyante."
Marami sa mga netizens ang nagsabing bagay kay Klarisse ang maging “Comedy Concert Queen” kasunod ni Ai-Ai delas Alas, na kilala sa parehong larangan ng musika at pagpapatawa.
Bagay na natanong naman kay Klang, sa panayam ng ABS-CBN entertainment journalist na si MJ Felipe sa "On Cue."
"Parang gano'n na, parang next to Ms. Ai Ai [Delas Alas]," hirit na biro ni Klang.
"Siyempre nandon pa rin, singer pa rin tayo... kasi 'yong pagiging komedyante ko, 'yon talaga ako, Kuya MJ," aniya pa.
Soon daw ay niluluto na raw ang nalalapit niyang concert na posibleng mangyari sa Setyembre.
Samantala, umani naman ng reaksiyon at komento ang patungkol sa titulong ito ni Klang. May mga nagsasabing para kay Ai Ai ang titulong ito, at may mga nagsasabi namang puwede dahil ang sabi naman, "next." May mga nangmungkahing "OA Diva" o "Nation's Mowm" na lang ang ibansag o ititulo sa kaniya.
"The nation's mowm nalang po mas bagay kay klang. So happy tlga ng puso ko pag napapanood kita mowm, super deserved mo LAHAT. Praying n mas marami pa dumating n blessings para sayo. We will support you! Love you mowm!!"
"Deserve naman Nia .Kasi maganda Boses ung Isang Laos di man singer un eh.Sia whole package."
"not agree na i kompra sya kat ai ai iba sinai ai iba ang klang namin maganda sya at magaling so may sarili sya nga name whom."
"Klarisse is Klarisse may sarili siyang bansag at walang kapares yun THE NATION'S MOWM total package!"
"Yes!!di lang sya magaling na singer magaling din syang comedian!!Go!!!the Nation's Mowm."
"wag naman I compare self mo Kay aiai haha mas magaling ka naman kumanta dun haha"
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Ai Ai tungkol dito.