December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

ABS-CBN, GMA tuloy-tuloy sa PBB Celebrity Collab Edition

ABS-CBN, GMA tuloy-tuloy sa PBB Celebrity Collab Edition
Photo courtesy: ABS-CBN

Matapos ang matagumpay na makasaysayan at kauna-unahang "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" ng ABS-CBN at GMA Network, magkakaroon ulit ito ng panibagong season batay na rin sa anunsyo ng main host na si Bianca Gonzalez.

Sa naganap na Big Night noong Sabado, Hulyo 5, sinabi ni Bianca na naghahanda na ulit ang Kapamilya at Kapuso Network para sa panibagong season ng celebrity collab.

"Pinaghahandaan na ni Kuya ang susunod na PBB Collab this year," anang Bianca.

Ang itinanghal na Big Winner duo sa season na ito ay sina Brent Manalo at Mika Salamanca o BreKa.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

KAUGNAY NA BALITA: BreKa, itinanghal na ‘Big Winner!’