"Age is just a number," 'ika nga.
Sa kabila ng mga pagsubok ng buhay, hindi sumuko si Lucy Gonzaga, o mas kilala bilang Nanay Lucy, na taga-Sagay City, Negros Occidental, upang makatapos ng pag-aaral.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, mula pa noong 1964, hindi na siya nakapagpatuloy sa high school matapos magtapos ng elementarya dahil sa kahirapan.
Ngunit noong 2011, sa gulang na 57, nagbalik siya sa pag-aaral. Sa kabila ng mga pagsubok at pagpapahinto-hinto, natapos niya ang senior high school noong 2019.
Sa parehong taon, pumanaw ang kaniyang asawang jeepney driver, ngunit ginamit ni Nanay Lucy ang ₱2,500 na pensyon nito upang matustusan ang kaniyang pag-aaral.
Ngayong Hunyo 2025, natamo niya ang kaniyang diploma sa degree program na Bachelor of Science in Fisheries.
Nang tanungin kung ano ang kaniyang mga pangarap, sinabi ni Nanay Lucy na nais niyang magtrabaho sa Sagay City Hall upang makapag-ambag sa kaniyang komunidad gamit ang kaniyang natutuhan.
Ang kuwento ni Nanay Lucy ay patunay na ang edad ay hindi hadlang sa pangarap. Sa bawat hakbang niya, patuloy niyang pinapakita ang halaga ng determinasyon at pag-asa sa buhay.