December 19, 2025

Home BALITA Probinsya

Tiyuhin, nanaksak sa inuman, pamangkin, sugatan!

Tiyuhin, nanaksak sa inuman, pamangkin, sugatan!
Photo courtesy: Pexels

Sugatan ang isang 30 taong gulang na lalaki matapos pagsasaksakin ng sariling tiyuhin sa Negros Oriental.

Ayon sa mga ulat, inimbita ng suspek ang biktima sa kanilang tahanan dahil sa pagdiriwang daw niya ng kaniyang kaarawan.

Nauwi sa inuman ang salusalo sa bahay ng suspek hanggang sa magkainitan daw ang suspek at biktima.

Batay sa paunang imbestigasyon, nagkaroon ng diskusyon ang suspek at biktima sa hindi pa tukoy na eksaktong dahilan. Doon na raw inundayan ng suspek ang biktima.

Probinsya

Piggatan bridge sa Cagayan, bukas na matapos bumagsak noong Oktubre

Mabilis namang naisugod ang biktima sa ospital at nilapatan ng lunas ang mga tinamong saksak sa tiyan—habang agad naman daw nakatakas ang suspek.

Isa sa mga anggulong tinitingnan ng mga awtoridad sa motibo ng suspek ang dati na raw hidwaan nila ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente habang pinaghahahanap na rin ng mga awtoridad ang suspek.