Tila hindi nababahala si Department of Defense (DND) Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro sakaling pagbawalan siya ng China na tumuntong sa teritoryo nito.
Ito ay matapos patawan ng China si dating Senador Francis Tolentino ng sanction dahil sa paninira umano nito sa kanilang bansa.
Sa ulat ng Philippine News Agency (PNA) noong Biyernes, Hulyo 4, sinabi ni Teodoro na wala umano siyang pakialam kung gawin din sa kaniya ang parehong parusang iginawad ng China kay Tolentino.
“Wala naman akong pakialam [kung] gawin nila sa akin ’yon. Nasa sa kanila naman ’yon, ’di ba?” saad ni Teodoro.
Matatandaang binara ni Teodoro sa ginanap na Shangri-La Dialogue noong Hunyo ang senior colonel ng National Defense University ng China dahil sa ibinatong tanong nito sa kaniya.
“The United States is sending more arms to this region and setting up more military bases in the Philippines, are you concerned that a proxy war in Asia might be launched?" tanong ni Sr. Col. Zhang Chi.
Sagot naman ni Teodoro, “Thank you for the propaganda spiels disguised as questions.”