January 05, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pinagbigyan! Kelvin Miranda, 'diniligan' tigang na fans

Pinagbigyan! Kelvin Miranda, 'diniligan' tigang na fans
Photo courtesy: Kelvin Miranda (FB)

Kinakiligan ng mga netizen ang ginawa ni Encantadia Chronicles: Sang'gre cast member at Kapuso star Kelvin Miranda sa fans at supporters na bet "magpadilig" sa kaniya.

Si Kelvin kasi ang gumaganap na "Adamus" sa nabanggit na telefantasya ng GMA Network.

Si Adamus ang unang lalaking sang'gre sa kasaysayan ng Encantadia, na siyang tagapangalaga ng brilyante ng tubig.

Kaya hirit ng netizens sa kaniya, lalo na ang mga beki, baka naman daw puwede silang "diligan" ni Kelvin lalo na ang mga nanunuyot at tigang na.

Tsika at Intriga

'As a nation di tayo makausad!' Tuesday sinita mga 'eksenang airport' ng Pinoy

Kaya naman sa isang Facebook post kamakailan, makikitang kumuha ng literal na pandilig si Kelvin at ibinuhos sa harapan ng camera ng cellphone niya ang tubig mula rito.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"diligan mo ang aking mahiwagang kipay adamus AHAHHA"

"Ibang dilig Ang gusto ko Adamus!"

"Nasakin ang brilyante ng tubig, pakikuha nalang dito sa bahay. Wag kana mag brief."

"grabe namang dilig yan HAHAHHAA"

"Ibang dilig po sana hahaha..."

KAUGNAY NA BALITA: Mga 'tuyot' at 'tigang' na netizens, bet padilig kay Kelvin Miranda

Matatandaang bago pa man magsimula ang pag-ere ng Sang'gre, ganito na rin ang panawagan ng mga netizen sa kaniya.