December 14, 2025

Home BALITA

Palasyo, dinipensahan litrato ni Sec. Ruiz kasama ang dating tauhan ni Atong Ang

Palasyo, dinipensahan litrato ni Sec. Ruiz kasama ang dating tauhan ni Atong Ang
Photo courtesy: Contributed photo

Dumipensa ang Malacañang sa isang larawang nagkalat sa social media kung saan makikitang kasama ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Jay Ruiz ang isa sa mga whistleblower umano sa mga nawawalang sabungero na si alyas "Brown."

Sa press briefing nitong Palace Press Undersecretary Claire Castro noong Biyernes, Hulyo 4, 2025, ipinaliwanag niya ang kuwento raw sa nasabing litrato.

"Ang nakausap po natin mismo ay si Secretary Jay Ruiz at tinanong natin kung ano yung affair kung saan siya naroroon at nakuhaan ng litrato. Ayon sa kaniya, ito raw ay kaarawan ng isang social media content creator. At kung siya man ay nakumbida, ito ay kaniyang pinaunlakan," ani Castro.

Paglilinaw pa ni Castro, wala raw kaugnayan si Ruiz sa iba pang mga dumalo sa naturang party na nasa viral na litrato.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

"Pero kung sinuman yung mga nakasama doon na kinumbida ng nagse-celebrate ng birthday, hindi na po n'ya hawak yun," aniya.

Matatandaang isa si alyas Brown sa mga binanggit ng businessman na si Atong Ang na itinuturo ngayon bilang mastermind sa kaso ng mahigit 100 mga nawawalang sabungero.

Samantala, sa panayam ng isang local media outlet kay alyas "Brown" noong Biyernes, Hulyo 4, nilinaw niyang wala raw kinalaman si Ruiz sa isyu ng mga nawawalang sabungero.

BASAHIN: Bangkay ng mga nawawalang sabungero, itinali sa sandbag para lumubog sa Taal Lake