December 13, 2025

Home BALITA

Misis ni Emil Sumangil, humihiling ng panalangin ng kaligtasan para sa mister

Misis ni Emil Sumangil, humihiling ng panalangin ng kaligtasan para sa mister
photo courtesy: GMA 24 Oras/YouTube, Michelle Sumangil/Facebook

Humihiling ng patuloy na panalangin ng kaligtasan si Michelle Sumangil para sa kaniyang mister at broadcast journalist na si Emil Sumangil kaugnay sa panayam nito sa whistleblower na si Julie Dondon Patidongan o alyas “Totoy” tungkol sa mga nawawalang sabungero.

Si Emil Sumangil ang isa sa mga tumutok sa pagbabalita tungkol sa mga nawawalang sabungero. Siya rin ang eksklusibong nakapanayam ni "Totoy" kung saan isiniwalat nito na itinapon sa Taal Lake ang mga nawawalang sabungero, hanggang sa pangalanan ang mga umano'y mastermind sa likod nito na sina Atong Ang at Gretchen Barretto.

BASAHIN: 34 nawawalang sabungero, ilang drug lords, itinumba at inilibing sa Taal Lake

KAUGNAY NA BALITA: Atong Ang, Gretchen Barretto, kinaladkad sa isyu ng mga nawawalang sabungero

Bagong item sa electric bill, dagdag-bayarin ng mga Pinoy pagpasok ng 2026

KAUGNAY NA BALITA: Buwelta ni Atong Ang kay alyas 'Totoy:’ Pera-pera lang!

KAUGNAY NA BALITA: 100% may kinalaman daw! Alyas 'Totoy' may mensahe kay Gretchen Barretto

KAUGNAY NA BALITA: Depensa ni Gretchen Barretto: 'Di pagbigay ng suhol, dahilan ng pagdawit sa kaniya sa isyu

Samantala, sa isang Facebook post nitong Biyernes, Hulyo 4, nagpasalamat una si Michelle sa mga nanalangin para sa kaligtasan ng kaniyang mister.

"A Personal Prayer Request. We would like to thank the netizens who first initiated and called for the safetyand protection of my husband, Emil Sumangil. Your concern, prayers, and vigilance brought light and strength to us during this time," ani Michelle. 

Bukod dito, patuloy pa rin ang pahingi niya ng panalangin para sa broadcast journalist. 

"Dear Lord, thank You for Your constant protection and grace.We lift up Emil into Your loving hands.Surround him with Your divine shield and keep him safe from harm.May Your peace reign in our hearts as we trust in Your perfect will.

"No weapon formed against you shall prosper. – Isaiah 54:17"