December 13, 2025

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

Mayor sa Mexico, ikinasal sa buwaya; desperado magkaasawa?

Mayor sa Mexico, ikinasal sa buwaya; desperado magkaasawa?
Photo courtesy: Screenshots from ABS-CBN News (YT)

Isang kakaibang kasalan ang nasaksihan sa bayan ng San Pedro Huamelula sa Mexico noong Hunyo matapos ikasal si Mayor Daniel Gutierrez sa isang buwaya, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Reaksiyon ng mga netizen, papansin lang ba ang nabanggit na mayor para makakuha ng clout sa social media? O nahihibang na ba siya't desperado nang makapag-asawa, kaya pumatol na lang sa buwaya? O baka naman nasisiraan na ng ulo?

Ngunit higit pa sa clout, desperasyon, o pagkasira ng ulo, isang seremonya itong bahagi ng matagal nang lokal na tradisyon.

Ang nasabing kasal ay hindi basta-basta kundi isang ritwal na sumasagisag sa pagkakaisa ng dalawang katutubong grupong Huave at Chontal. Sa seremonya, kinatawan ni Gutierrez ang hari ng Chontal, samantalang ang buwayang “bride” ay sumisimbolo sa prinsesang mula sa grupong Huave.

Kahayupan (Pets)

Alagang pusa, nategi dahil sa maling pagkakaunawa sa ‘pampatulog’

Ayon sa paniniwala ng mga residente, ang ganitong uri ng kasal ay isinasagawa upang humiling ng masaganang ani at masarap na huli ng isda—isang mahalagang bahagi ng kanilang kultura na nag-uugnay sa tao at kalikasan.

"Ito ay isang makasaysayang sandali. Ito ay bawat taon. Ito ay isang pagdiriwang na nagsasama-sama ng dalawang bayan, dalawang kultura, dalawang pamayanan na nagsasama-sama upang hangarin ang pag-unlad para sa dalawa," pahayag umano ni Gutierrez.