January 09, 2026

Home BALITA

LTO, sinuspinde lisensya ni Josh Mojica

LTO, sinuspinde lisensya ni Josh Mojica
Photo Courtesy: MB file photo, Josh Mojica via News5

Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng content creator at negosyanteng si Josh Mojica matapos kumalat ng video umano niya kung saan mapapanood na gumagamit siya ng cellphone habang nagmamaneho ng sports car.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II nitong Sabado, Hulyo 5, tila gumagawa umano ng content si Mojica habang minamaneho ang sasakyan nito.

Kaya paalala niya, “Anuman ang klase ng sasakyan na minamaneho ay dapat matuto pa rin tayong sumunod sa mga batas trapiko.”

“If the driver is indeed a content creator, then there is this responsibility for him to set a good example to his followers,” dugtong pa ni Mendoza.

Ina ni Jerlyn Doydora, pinapanagot si Renee Co sa pagkasawi ng anak sa Mindoro: ‘Walang hiya ka’

Suspendido ang lisensya ni Mojica sa loob ng 90 araw habang nakabinbin ang resulta ng imbestigasyon. 

Batay sa inisyung show cause order ng LTO, sinampahan ng tatlong kaso ang naturang content creator kabilang na ang reckless driving, paglabag sa Anti-Distracted Driving Act, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Samantala, tinanggi naman ni Mojica sa pamamagitan ng Facebook post na siya ang content creator na tinutukoy ng LTO.

“Hindi ako ‘yan promise!!! ” anang content creator.