December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

Jessica Soho ipinagluto ng sopas ang Big Four; Will Ashley, suwerte raw

Jessica Soho ipinagluto ng sopas ang Big Four; Will Ashley, suwerte raw
Photo courtesy: KMJS (FB)/Screenshot from Pinoy Big Brother (YT)

Huling big-time celebrity na pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya si award-winning Kapuso news anchor-journalist Jessica Soho para kapanayamin ang Big Four ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Mapapanood ang panayam ni Jessica sa apat na duos na sina Charlie Fleming at Esnyr (ChaRes), Ralph De Leon at Will Ashley (RaWi), Brent Manalo at Mika Salamanca (BreKa), at AZ Martinez at River Joseph (AzVer), sa kaniyang award-winning magazine show na "Kapuso Mo Jessica Soho."

"LUMIPAD ANG AMING TEAM SA… BAHAY NI KUYA?!" mababasa sa post ng opisyal na Facebook page ng KMJS.

"Ang duo na tatanghaling Big Winner ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, mas kilalanin ngayong Linggo sa #KMJS! Pero bago ang Big Night, si Jessica Soho, lumipad... este, pumasok muna sa Bahay ni Kuya!"

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

"At ipinagluto pa ni Jessica ang housemates ng sopas!" mababasa pa.

Bukod sa panayam sa kanila, ang suwerte rin ng celebrity housemates dahil natikman daw nila ang lutong sopas ni Jessica, na ipinagluto naman sila. Isang pambihirang pagkakataon nga naman ito, na mapaglutuan ng isang nag-iisang Jessica Soho!

Speaking of suwerte, sabi ng mga netizen sa iba't ibang comment section ng social media posts, parang ang suwerte raw ni Will dahil "pangalawang beses" daw siyang dinalaw ng kaniyang ina sa loob ng BNK.

Tila magkahawig daw kasi sina Jessica at ang nanay ni Will, na kamakailan lang ay dumalaw sa kaniyang anak sa loob.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

Anyway, kamakailan ay nag-sorry ang KMJS matapos ang isyu ng pag-share daw ng admin o taong nasa likod at humahawak ng X account ng KMJS na ma-"BBE" o maboto for eviction ang AzVer.

"Parang unfair na nakadalawang punta ang mom ni Will."

"Mama ni will."

"Pumasok ang nanAy ni will"

"dalawang beses si mowm at mama ni will, koyah talaga"

"Kamukha ng mama ni Will haha."

Samantala, Sabado, Hulyo 5 na ang Big Night kaya tiyak na nakaabang na ang mga Kapamilya at Kapuso kung sino ang tatanghaling Big Winner.