December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Jameson Blake, nagsalita na sa real-score nila ni Barbie Forteza

Jameson Blake, nagsalita na sa real-score nila ni Barbie Forteza
Photo Courtesy: Jameson Blake (IG), Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Nagbigay na ng pahayag si Kapuso actor Jameson Blake hinggil sa totoong namamagitan sa kanila ni Kapuso Star Barbie Forteza.

Ito ay matapos pag-usapan ang mga larawan nilang magkasama sa isang running event sa Pampanga at naispatan pang magkahawak-kamay!

MAKI-BALITA: Pictures nina Barbie Forteza, Jameson Blake inurirat: ‘Soft launch ba ‘to?’

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Huwebes, Hulyo 4, diretsahan umanong tinanong ni Ogie si Jameson kung sila na ba talaga ni Barbie.

Relasyon at Hiwalayan

Bianca De Vera, kering pagsabayin 2 lalaki sa isang relasyon?

Pero sagot ni Jameson sa pamamgitan ng message, “Honestly, we are not together. The reason why nahuli kami holding hands kasi andaming tao no’ng nagpa-picture sa kaniya.”  

“I was just assisting her palabas. Gets ko naman people will think different. [...] Kumbaga, crowd control ako that time. Inaalalayan ko lang si Barbie,” dugtong pa ni Jameson sa mensahe ni binasa ni Ogie.

Kaya namang anang showbiz insider, ‘wag na raw bigyan pa ng malisya ang mga larawan ng dalawa.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang pahayag na inilalabas si Barbie tungkol sa isyung ito nila ni Jameson.