December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ivana Alawi, may anak kay Dan Fernandez?

Ivana Alawi, may anak kay Dan Fernandez?
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Kasunod ng intriga sa parehong closet nina Kapamilya sexy actress Ivana Alawi at dating congressman Dan Fernandez, nauungkat naman ngayon ang tsikang may anak umano silang dalawa.

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, Dan Fernandez iniintrigang pareho ng disenyo ng closet

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Biyernes, Hulyo 4, sinabi ni showbiz insider Ogie Diaz na matagal na raw talagang usap-usapang may anak sina Dan at Ivana.

Aniya, “Matagal nang lumalabas ‘yan. Pero walang pag-amin mula kay Ivana Alawi at kay Dan Fernandez ang isyung ito.”

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

“Kasi kung matatandaan natin parang nagpa-pictorial ‘yong pamilya ni Ivana. Tapos mayro’ng isang bata do’n na parang ang sabi e anak ng ate niya,” dugtong pa ni Ogie.

Segunda naman ng co-host niyang si Mrena, “Kuya, hawig din ni Dan Fernandez.”

Ngunit patuloy iginiit ng showbiz insider na wala umanong pag-amin o kahit pagtangging nagmumula sa pagitan nina Ivana at Dan kaugnay sa nasabing tsika.

“Ang naririnig ko lang kay Ivana no’ng ininterview siya ni Kuya Boy ay ‘yong tungkol kay Dan Fernandez. Ang sinabi niya ay magkakilala sila. At ayaw daw niya sa babaero,” sabi pa ni Ogie.