Namataan sa CCTV ang magkahiwalay na insidente ng pagnanakaw ng ilang mga alagang kambing sa bayan ng Oton at Patotan, Iloilo.
Ayon sa mga ulat, makikita sa CCTV ang pagdaan ng ilang motorsiklo at saka pumasok sa isang kambingan sa bayan ng Oton.
Ilang sandali pa, makikitang dalawang kambing na ang kanilang dala-dala at saka muling sumakay sa motorsiklo at tuluyang tumakas.
Nagdesisyon naman ang may-ari ng naturang kambingan na hindi na magsampa ng reklamo sa mga awtoridad.
Samantala, sa hiwalay na insidente naman, nasakote ng pulisya ang isang lalaking nahuli sa aktong pagnanakaw ng tatlong kambing sa bayan ng Patotan.
Tinatayang papalo sa ₱21,000 ang mga kambing na tinangkang ipuslit ng suspek. Naibalik naman ang mga ito sa may-ari.
Nahaharap ang naturang suspek sa reklamong theft.