December 13, 2025

Home BALITA National

Filipino, English wikang panturong gagamitin mula Kinder hanggang Grade 3 —DepEd

Filipino, English wikang panturong gagamitin mula Kinder hanggang Grade 3 —DepEd
Photo Courtesy: via MB

Tanging Filipino at English na lang ang wikang panturong gagamitin sa mga paaralan mula Kinder hanggang Grade 3 sang-ayon sa DepEd Order No. 20 series of 2025 noong Hulyo 3.

Nakabatay ang kautusang ito sa probisyon ng Republic Act No. 12027 o “Enhanced Basic Education Act of 2013" na nagmamandatong ihinto ang paggamit ng mother tongue bilang wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3.

Maaari pa rin naman umanong gamitin ang mother tongue bilang pantulong sa pagtuturo upang higit na maunawaan ng mga estudyante ang aralin.

Ngunit tinutulan pa rin ito ng grupo ng mga gurong nagtataguyod na magamit ang unang wika ng mga estudyante bilang wikang panturo.

National

'Not admission of guilt!' Surigao Del Sur solon, nagbitiw sa bicam committee dahil sa delicadeza

Matatandaang kamakailan lang ay naghain ng petisyon sa Korte Supream ang Tanggol Unang Wika para ipawalang-bisa ang Republic Act 12027.

Samantala, maaari namang gamitin ang Filipino Sign Language (FSL) para sa mga klaseng may problema sa pandinig ang mga estudyante.

MAKI-BALITA: Tanggol Unang Wika, nagpetisyon sa Korte Suprema para ipawalang-bisa ang R.A. 12027