Inulan ng samu't saring reaksiyon ang viral video ng isang karne na tila tinubuan umano ng daliri ng tao.
Naunang kumalat ang naturang video sa social media platform na TikTok mula sa uploader na may username na argieessen.
Ayon sa kaniya, nakausap umano niya ang matadero upang tanungin kung daliri ba talaga ng tao ang makikita sa nabanggit na karne.
Ibinahagi rin ng nabanggit na uploader kung ano ang napag-alaman niya mula sa matadero.
"Sabi ng matadero, buntot daw. Pinuputol ‘pag maliit pa ang baboy kaya lumalaki nang ganiyan," saad niya.
Ang nasabing video na pumalo na ng 2.3 million views, umani rin ng diskusyon sa netizens na tila mga kumbinsidong daliri daw ang nasa karne.
"Bakit parang may kuku na inalis?"
"Daliri po 'yan ng tao."
"Kamay na 'yan hindi na buntot kasi may kuko na."
"Grabe na pati tao kinakarne na."
"Ang aarte ng mga tao dito sa comsec! Karne talaga 'yan."
"Feeling ko putol na daliri talaga 'yan."
Samantala, iginiit din ng uploader ng video na okay na raw siya matapos makausap ang matadero ng nasabing karne.
"Okay na, 'wag n'yo na akng takutin," aniya.