Tila napa-throwback ang veteran journalist at dokumentaristang si Atom Araullo sa kaniyang Facebook post matapos maimbitahang graduation speaker sa University of the Philippines (UP) Cebu.
Sa kaniyang FB post nitong Sabado, Hulyo 5, 2025, ibinahagi ni Atom ang naunsyami niya raw na pagmartsa bilang graduating student sa UP noong 2005.
"Nung grumadweyt ako noong 2005, hindi ako nag-march. Nakakahiya mang aminin, tinatamad lang talaga ako," saad ni Atom.
Ikinuwento rin niya ang kaniya raw napagtanto sa hindi niya pagsipot sa kaniyang graduation noon.
"Ang hindi ko naisip noon, para rin sana ang araw na ‘yon sa mga magulang nating ilang taon nagsakripisyo para maitawid ang pag-aaral natin," aniya.
Kaya naman nang maimbitahan ng UP Cebu bilang graduation speaker, hindi raw pinalampas ni Atom ang naturang okasyon at makapag-suot ng sablay makalipas ang 20 taon.
"Kaya kahapon, nang maanyayahan akong maging graduation speaker sa UP Cebu, isinama ko na sina Mama at Papa. First time ko rin magsuot ng sablay—ang opisyal na academic costume ng UP. O ‘di ba, parang nag-march na rin ako… 20 years delayed nga lang!"
Samantala, pinusuan naman ng netizens ang nasabing post ng beteranong mamamahayag, na tila kapwa mga naka-relate din sa hindi raw pagsipot sa kanilang graduation.
"My regrets too. Tinamad din ako because it was going to be long. But it must have made my parents happy."
"Hindi rin ako nakapag martsa nun graduate 2004, regret ko rin yun. Sana pala nag martsa ako para Bago nawala father ko."
"Wow congrats Atom. Blessed Ka kasama mo pa parents mo after 20 years."
"Same hindi rin ako nag march noong 2005, sa college graduation lang."
"Hindi rin ako nag march sa 1985 graduation dahil tinamad ako. Marami tayo."
"Ako rin! That happened to me too in 1981. Wala pang sablay nun. The same realization as yours, I should have joined for my parents’ sake."