Matapos umugong ang intriga patungkol sa inintrigang pagkakapareho ng closet nina Kapamilya star at social media personality at dating Sta. Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez, muling binalikan at ishine-share sa social media ang video clip ng naging panayam ni Asia's King of Talk Boy Abunda sa kaniya, sa "Tonight With Boy Abunda" noon sa ABS-CBN.
Sa nabanggit na panayam, natanong ni Boy kung totoo bang nanliligaw sa kaniya si Dan Fernandez.
Diretsahang sagot ni Ivana, "No. We're friends."
Hindi raw niya ide-deny na lumalabas silang dalawa bilang magkaibigan pero wala raw silang "romantic involvement."
Nang matanong kung bakit, natatawang sagot ni Ivana, "Kasi babaero siya, ayoko ng babaero."
"Ayoko ng gano'n, gusto ko 'yong mamahalin ako..." sundot pa ni Ivana.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang dalawa sa mga isyung kesyo pareho sila ng closet, na nangangahulugang magkasama ba sila sa iisang bahay, o kaya naman, na may anak na raw sila, batay sa mga kumakalat ding tsismis na tinalakay naman sa "Ogie Diaz Showbiz Updates."
KAUGNAY NA BALITA: Ivana Alawi, may anak kay Dan Fernandez?