January 26, 2026

Home BALITA

7 PDLs, nakapagtapos ng college degree sa loob ng kulungan

7 PDLs, nakapagtapos ng college degree sa loob ng kulungan
Photo courtesy: Manila Bulletin

Ipinagmalaki ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang matagumpay na pagkuha ng pitong person deprived of liberty (PDLs) ng kani-kanilang college degree kahit nananatili sa loob ng kulungan.

Ayon kay BJMP spokesperson Jail Superintendent Jayrex Bustinera, isang paraan daw ito upang mas magkaroon ng kinabukasan ang mga PDL paglabas nila ng piitan.

"It boosts the morale, and improves the rehabilitation of the PDLs para kapag sila ay lumaya, hindi na sila mag-commit ng crime upon release," ani Bustinera sa Bagong Pilipinas public briefing.

Ayon pa kay Bautista, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Commission on Higher Education (CHED) at Polytechnic University of the Philippines (PUP), nagkakaroon ng pagkakataon ang PDLs na makakuha ng college degree na may kaugnayan sa entrepreneurship.

Probinsya

4-anyos na bata, patay matapos lunurin ng sariling ina!

Kasalukuyan pa raw may mahigit 30 PDL ang nakapag-enroll na sa entrepreneurship para sa college education.

"Sa CHED, nakapagtapos tayo ng 7 PDL ng college at ongoing 30 plus na enrolled in college education," aniya.

Maliban sa CHED, suportado rin daw ng Department of Education (DepEd) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang programa ng BJMP para sa pagbibigay ng edukasyon sa mga PDL sa pamamagitan naman ng Alternative Learning System (ALS) kung saan maaari silang mabigyan ng sertipikasyon kapag sila ay nakapagtapos.