Patay na nang natagpuan ang isang taxi driver sa loob ng pinapasada niyang sasakyan sa Barangay Mactan, Lapu-Lapu City sa Cebu.
Ayon sa mga ulat, may tama ng baril sa ulo at balikat ang biktima nang matagpuan siya ng mga awtoridad sa driver’s seat ng taxi.
Nakuhanan pa raw ng CCTV sa lugar ang pagdaan ng taxi ng biktima bago ito nawalan ng ilaw at huminto sa lugar kung saan narekober ang bangkay ng biktima.
Pagnanakaw ang hinihinalang motibo ng mga awtoridad sa nangyaring krimen lalo pa’t hindi na raw nila nakita ang cellphone, wallet at perang kinita ng biktima sa kaniyang pamamasada.
Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng pulisya lalo pa’t wala pa silang person of interest kung sino ang dumali sa biktima. Ayon pa sa kaanak ng nasabing driver, wala raw itong nakakaaway na posibleng gumawa sa sinapit ng biktima.