Muling nanawagan ang pamilya ni Mary Jane Veloso para mabigyan na siya ng Malacañang ng clemency matapos ang patuloy niyang pagkakakulong ng 14 taon.
Nitong biyernes, Hulyo 4, 2025, kasama ang iba’t ibang organisasyon katulad ng United Church of Christ in the Philippines, Churches Witnessing with Migrants, Caritas Philippines, Migrante International, at National Union of People’s Lawyers, nakiusap ang pamilya Veloso kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
“Bigyan n’yo na ng clemency para makapiling na namin at ang kaniyang mga kapatid at kaniyang mga anak. Parang awa n’yo na,” saad ng ama ni Mary Jane.
Matatandaang nauna nang linawin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na pinag-aaralan na raw ng ilang legal experts ang kaso ni Mary Jane, kaugnay na iba’t ibang panawagang mabigyan siya ng Pangulo ng clemency.
KAUGNAY NA BALITA: Posibleng clemency para kay Veloso, pinag-aaralan na ng legal experts – PBBM
Si Veloso ay nasentensyahan ng parusang bitay sa Indonesia noong 2010 matapos umano siyang mabiktima ng illegal recruitment at mahulihan ng ilegal na droga sa naturang bansa.
KAUGNAY NA BALITA: BALITAnaw: Ang timeline ng 14 taong death row sentence ni Mary Jane Veloso