Sumakabilang-buhay na ang batikang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis sa edad na 78.
Sa latest Facebook post ni dating child star Niño Muhlach nitong Biyernes, Hulyo 4, kinumpirma niya ang pagpanaw ni Lolit.
“Paalam, Nanay Lolit Solis,” saad niya sa caption.
Bago tuluyang pumanaw, ibinahagi pa ni Lolit ang kalagayan niya habang nasa loob ng ospital noong Huwebes, Hulyo 3.
Aniya, “Talagang hindi ko akalain at my age dun pa ako mako confined at magkakasakit. Nagkaruon nga tuloy ako ng anxiety attack dahil hindi ko akalain na at my age mahihiga ako sa hospital bed.”
“Everytime I wake up in the morning shock ako na nasa ibang kuwarto ako. Kaya nga minsan gulat ako paggising.Kaya tuloy parang at a lost ako tuwing gigising,” dugtong pa ni Lolit.