December 20, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaking naglilinis ng baril, nabaril sariling ina

Lalaking naglilinis ng baril, nabaril sariling ina
Photo courtesy: Pexels

Dead on arrival ang 77 taong gulang na babae matapos aksidenteng mabaril ng kaniyang anak habang naglilinis ng shotgun sa Sitio Kilala, Brgy. Quipot, Janiuay, sa Iloilo.

Ayon sa mga ulat, aksidenteng nakalabit ng biktima ang kaniyang baril habang nililinis ito, na sumapul naman sa kaniyang inang naglalakad lamang daw sa may pintuan.

Sinubukan pang itakbo ang biktima sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival dahil naubusan na raw ito ng dugo. Nagtamo ng tama sa kaniyang balikat ang biktima.

Matapos ang pagsuko ng suspek, agad din siyang pinakawalan ng mga awtoridad matapos magdesisyon ang kanilang mga kaanak na hindi na magsampa ng kaukulang kaso.

Probinsya

Sabunutan ng ilang LGBTQIA+ members at isang babae, sumiklab sa kasagsagan ng Simbang Gabi