December 13, 2025

Home BALITA

ICC, tinanggihan hiling ni Duterte na i-disqualify 2 pre-trial judges

ICC, tinanggihan hiling ni Duterte na i-disqualify 2 pre-trial judges

Tinanggihan ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na i-disqualify ang dalawang pre-trial judges.

Sa isang desisyon na may petsang Hulyo 3, nakalahad na “no actual nor reasonable apprehension of bias arises" sa mga judge na sina Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou at María del Socorro Flores Liera. 

“The plenary of judges considers that the judges acted, at all times, in accordance with the judicial duties assigned to them under the [Rome] Statute,” saad ni ICC President, Judge Tomoko Akane. 

Matatandaang nakasaad sa isang 11-page corrigendum na may petsang Mayo 12, hiniling ng kampo ni Duterte sa ICC na i-disqualify ang dalawang hukom na humatol sa isyu ng hurisdiksyon.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Iginiit ng defense team ng dating pangulo na ang dalawang nabanggit na hukon ay nauna nang humatol sa kaso laban kay Duterte.

“The Defence’s request to disqualify the Judges will ensure the autonomy and irreproachability of the judges as well as the efficient conduct of the proceedings by engendering a minimum degree of disturbance to the Chamber’s current composition,” saad ng mga abogado ni Duterte.

Samantala, kamakailan lamang nang hilingin ng iCC office of the prosecutor sa tribunal na tanggihan ang inihaing interim release ni Duterte. 

MAKI-BALITA: ICC prosecution, pinare-reject sa tribunal ang interim release ni FPRRD

Kasalukuyang nakadetine sa kustodiya ng ICC ang dating Pangulo na nahaharap sa kasong crimes against humanity bunsod ng kaniyang naging madugong kampanya kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA:  TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD